Friday, May 3, 2024

COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 9 milyon na

- Advertisement -

Pumalo na sa higit 9 na milyon ang mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Sa datos, naitala ang kabuuang 9, 169, 363 na ang pandaigdigang kaso ng nakamamatay na virus.

Sa naturang bilang, nasa mahigit 473,000 naman ang namatay bunsod dito.

Pumalo naman sa higit 4.9 milyon ang mga nakakarekober o gumaling na sa COVID-19.

Sa kaparehong bulletin, lumalabas na mayroon pang mahigit 3.7 milyong mga active COVID-19 cases, kung saan ang nasa 57,000 sa mga ito ay nasa kritikal na lagay.

Samantala, sa nakalipas na 24 oras, muling nakapagtala ng higit sa 127,000 ang mga bagong nagpositibo sa COVID-19, at higit 3,000 naman ang bagong naitalang nasawi rito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img