32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

COVID-19 cases sa buong mundo mahigit 9.5-M na

- Advertisement -

Sumampa na sa kabuuang 9,515,423 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Sa naturang bilang, nasa 483,800 na ang namamatay dahil sa virus.

Higit 5 milyon naman ang bilang ng mga nakarekober o gumaling na sa COVID-19.

Habang nasa 3.8 milyon naman ang bilang ng mga active cases, kung saan 58,000 rito ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa kaparehong bulletin, nakapagtala ng higit 168,000 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at 5,000 mga bagong bilang ng mga namamatay dahil sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -