25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

COVID-19 Cases Sa Bicol Sumampa Na Sa Mahigit 38K Matapos Magtala Ng Lagpas 700 Kaso Nitong Weekend

- Advertisement -

Bicol Region – Pumalo na sa 38,333 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 725 na mga bagong kaso ang rehiyon nitong weekend.

Sa ulat ng Department of Health (DOH), 411 ang mga kasong nadagdag noong Sabado habang 314 naman kahapon, araw ng Linggo.

Sa mga kasong ito, 200 ang mula sa Camarines Sur kung saan 46 nito ay mula sa bayan ng Nabua, 23 sa Naga City, 22 sa Pili, 17 sa Milaor,  tig-11 sa San Fernando at Siruma, tigwalo sa Balatan at Sagñay, pito sa Iriga City, anim sa Bombon, tig-apat sa Calabanga at Libmanan, tigtatatlo ang Magarao, Pamplona, Ragay at Tigaon, tigdadalawa ang Baao, Bato, Buhi, Lagonoy, Minalabac, Pasacao at San Jose at tig-iisa ang Cabusao, Canaman, Del Gallego, Goa, Ocampo, Sipocot at Tinambac.

53 ang bagong kaso sa Albay kung saan 12 nito ay mula sa Legazpi City, sampo sa Daraga, walo sa Pio Duran, apat sa Guinobatan, tigtatatlo ang Libon, Ligao City at Tabaco City, tigdadalawa ang Oas, Polangui at Sto Domingo at tig-iisa ang Bacacay, Camalig, Malilipot at Tiwi.

48 ang mga bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 16 nito ay mula sa Daet, siyam sa Vinzons, anim sa Jose Panganiban, tiglima ang Basud at Talisay, apat sa Labo, dalawa sa Paracale at isa sa Mercedes.

11 ang mga bagong kaso sa Sorsogon kung saan tatlo nito ay mula sa Bulusan  at tig-iisa ang Bulan, Casiguran, Donsol, Gubat, Irosin, Pilar, Sorsogon City at Sta Magdalena.

Dalawa ang mga bagong kaso sa Catanduanes na parehong mula sa bayan ng Virac habang zero new case naman ang Masbate.

Sa ngayon ay umaabot na sa 12,675 (33.07%) ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa rehiyon.

Samantala, pumalo na sa 24,515 (63.95%) ang total recoveries matapos madagdagan ng 172 na mga bagong gumaling kung saan 79 nito ay mula sa Sorsogon, 21 sa Camarines Sur, tig-20 ang Camarines Norte, Masbate at Naga City, siyam sa Catanduanes at tatlong mula sa labas ng rehiyon.

Pumalo na rin sa 1,143 (2.98%) ang death toll matapos na may madagdag na 15 bagong nasawi kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon, apat sa Camarines Sur,  tatlo sa Camarines Norte at isa sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -