COVID-19 cases sa bansa umakyat na sa 304,226 —DOH

0
35

Umakyat na sa 304,226 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,995 bagong kaso.

Sa nabanggit na mga bagong kaso, pinakamarami ang naitala sa Metro Manila na umaabot sa 1,605.

Sinundan ng Cavite na 297, Bulacan na 180, Batangas na 157 at Laguna na 143.

Nakapagtala naman ng 19,630  bagong recoveries ang DOH sa ilalim ng tinatawag na “Oplan Recovery” tuwing linggo.

Dahil dito, 252,510 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Samantala nadagdagan naman ng 60 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 na mayroon nang kabuuang bilang na 5,344.