Saturday, May 18, 2024

COVID-19 cases sa bansa pumalo na sa 115,980

- Advertisement -

Naungusan na ng Pilipinas ang Indonesia sa mga bansa sa Timog Silangang Asya na nakapagtala ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Health (DOH) pumapalo na sa 115,980 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdag ang 3,462  bagong kaso ng nasabing virus.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa ang Metro Manila – 2, 434, Laguna – 105, Rizal – 101, Cavite – 73 At Cebu – 62.

Samantala umakyat na sa 66,270 ang kabuuang recoveries matapos madagdag ang 222 mga bagong gumaling sa nasabing sakit.

Sumirit na rin sa 2,123 ang death toll nang madagdag ang siyam na bagong nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -