Saturday, May 4, 2024

36 PhilHealth officials pinasisibak ng PACC

- Advertisement -

Ipinasisibak ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang humigit kumulang 36 na opisyal ng PhilHealth.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica naisumite na nila sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga PhilHealth officials at ang kabuuan ng kanilang rekomendasyon.

Maliban sa pagsibak, pinakakasuhan rin anya nila sa Office of the Ombudsman ang mga sangkot sa anomalya.

Pinakamalaking problema anya ng PhilHealth ang binabayarang claim ng mga ospital nang hindi bina-validate kung sobra-sobra na ang kanilang naibayad o kung tama ba ang kanilang binabayaran.

Inihalintulad pa ni Belgica ang PhilHealth sa ATM na labas lang ng labas ng pera at parang pagbabayad sa restaurant nang hindi tinitignan ang bill.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img