Friday, May 3, 2024

COVID-19 cases sa bansa posibleng umabot sa higit 90k sa katapusan ng Agosto —study

- Advertisement -

Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa University of the Philippinnes na tumaas ng 50% ang fresh coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa general community quarantine (GCQ) kumpara noong nasa enhanced community quarantine (ECQ) pa lang ang maraming lugar sa bansa.

Anila, sakaling patuloy pang dumami ang mga nagpopositibo sa naturang virus ay maaaring sumampa sa mahigit 60,000 ang magiging kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pagsapit ng ika-31 ng Hulyo ngayong taon.

Posible rin anilang lumobo sa mahigit 95,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa ika-31 ng Agosto ngayong taon.

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng Department of Political Science ng UP, dapat pag-isipan ng gobyerno kung dapat bang luwagan ang paggalaw ng publiko.

Bago aniya ito gawin dapat mayroong dalawang linggo na tuloy-tuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dapat rin aniyang nasa 20,000 ang actual tests ang nagagawa sa kada araw sa bansa, sa ngayon kasi ay hindi pa lumalagpas sa 15,000 kada araw ang naisasagawang COVID-19 test.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img