COVID-19 case bulletin ng DOH mahuhuli ng ilang oras ngayong araw

0
15

Mahuhuli ng ilang oras ang paglalabas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) case bulletin ng Department of Health (DOH) ngayong araw na ito.

Sa halip na sa nakaugaliang alas-4 ng hapon, sinabi ng DOH na mamayang alas-8 ng gabi nila ipapalabas ang case bulletin sa araw na ito dahil sa hindi inaasahang system error na nagdulot ng hindi pagkakasama ng mga bagong kaso sa COVID-19 kaya extracted database.

Bagamat natugunan na ang problema, inihayag ng DOH na nagdulot ito ng dagdag na oras para mai-proseso ang mga na-extract na datos.

Tuluy-tuloy naman ang imbestigasyon ng DOH sa pinag-ugatan ng naturang problema.