Radio Philippines Network
DXKP Pagadian News Provincial News

Convoy Ng Mayor Sa South Upi Maguindanao Inambush, 1 Patay At 2 Sugatan

Tinambangan ang convoy ni South Upi Hon. Mayor Reynalbert O. Insular alas 2:10 ng hapon kanina January 3, 2021 sa bahagi ng Brgy. Pandan.

Patungo umano ng Brgy. Poblacion Romongaob, South Upi Maguindanao ang alkalde kasama ang kanyang convoy na kinabibilangan ng PNP at Militar nang pagsapit nila sa naturang lugar may 400 meters ang layo mula sa isang CAA Detachment ay bigla silang pinaulanan ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nakaganti naman ng putok ang mga escort ni Mayor Insular pero isa sa mga ito ang on the spot na namatay habang dalawa naman ang nasugatan na agad dinala sa pinakamalapit na ospital.

Wala pang inilalabas na pangalan ang mga kabilang sa escort ng alkalde na namatay gayundin sa dalawang mga sugatan.

Nakausap ng awtoridad ang alkalde pero tumanggi muna itong magbigay ng iba pang detalye sa insidente dahil kinakausap pa umano nya ang pamilya ng nasawing escort nito.

(Source: Bright channel Facebook Page)

Related posts

Presko Mga Isda Suyod Sa Surigao City Public Market

RPN

150 NPA Members And Supporters In Davao De Oro Town Pledge Loyalty To The Gov’t

RPN

Accomplishment Report On Arrest Of Other Wanted Person Jose Dalman MPS

RPN