Tuesday, May 7, 2024

Contact tracing ang sinasagawa sa mga COVID-19 positive patients sa bansa

- Advertisement -

Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga awtoridad sa mga nakasalamuha ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Department of Helath (DOH) epidemiology bureau, umaabot na sa 468 na indibiduwal na nakasalamuha nina patients 4 hanggang 10 ang kanila nang natunton.

113 sa mga ito ang nasuri, 107 ang isinailalim sa home quarantine, habang anim naman ang mahigpit na minomonitor bilang mga pui o persons under investigation.

Sinabi ni Health Assistant secretary Maria Rosario Vergeire, nasa maayos na kondisyon ang mga patients 4 hanggang 10 na kasalukuyang naka-admit sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Si patient 7 na isang foreign national ay kasalukyan aniyang naka-admit sa Makati Medical Center, nasa St Lukes Medical Center Global City naman si patient 8 na taga Pasig City.

Si patient 9 na isang 86 year old na Amerikano at residente ng Marikina City ay nasa Medical City sa Pasig, kasalukuyang naka-confine sa St. Lukes Medical Center-Quezon City si patient 10 na taga Quezon City

Habang isang lalaking pitumput dalawang taong gulang at walang travel history si patient 11 na naka-admit naman sa Medical City.

May history naman ng pagbiyahe sa United Arab Emirates si patient 12 na isang lalaking 56 anyos at nasa Makati Medical Center.

Nasa Makati Medical Center din sina patient 13 na may travel history sa Australia, ang 46 anyos na si patient 14 na walang travel history at patient 15 na isang 24 anyos na lalaki.

Si patient 16 na isang 70 year old na lalaki at patient 17 na isang 69-year-old na babae ay nasa Unihealth Parañaque hospital.

Nasa Tricity Medical Center naman sina patient 18 na isang 41 year old na lalaki at may travel history sa Taiwan at si patient 19 na isang 46 year old na babae.

Bumiyahe naman ng japan si patient 20 na isang 48 anyos na lalaki at nasa Research Intstitute For Tropical Medicine (RITM).

Habang wala pang impormasyon hinggil sa huling apat na bagong pasyente mula San Juan, Sta. Maria, Bulacan at Quezon City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img