2 Filipino sa Lebanon kumpimradong may COVID-19

0
26

Dalawang Filipino sa Lebanon ang kumpirmadong nahawaan ng coroanavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department Foreign Affairs (DFA) assistant secretary Eduardo Meñez, kasalukuyang naka-quarantine ang dalawa sa isang ospital sa Beirut.

Sila na ang mga karagdagang kaso ng mga Pilipinong nahawaan ng COVID-19 sa labas ng bansa.

Magugunitang mayroon ding mga Filipino sa Hong Kong, United Arab Emirates (UAE) at Singapore ang nahawaan ng COVID-19.