30.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Construction Worker Patay Sa Pananaga Ng Kabarangay Sa Bato Camarines Sur

- Advertisement -




Iriga City – Tinutugis na ng mga tauhan ng Bato Municipal Police Station ang suspek sa pananaga – patay sa construction worker sa Zone 6, Brgy. Payak, sa bayan ng Bato , Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Joel Valle, balo at residente sa nasabing lugar habang ang tinutugis na suspek ay kinilala na si Ramir Sesno, magsasaka sa lugar.

Ayon sa panayam ng Radyo Ronda kay PMaj. Andrew Alcomendas, Hepe ng Bato Municipal Police Station, sinabing nakita ang matindi ang galit ng suspek sa biktima at base na din sa mga taga na natamo ng biktima ay wala itong planong buhayin. Malalalim na taga sa leeg at balikat ang agad na kumitil sa buhay ng biktimang si Joel.

Sa impormasyon na ibinahagi ng opisyal, alas-8 ng gabi nang pwersahan pasukin ng suspek ang bahay ng biktima at habang ito ay natutulog ay walang takot nitong pinagtataga ang construction worker.

Tangay ang ginamit na bolo, agad na tumakbo sa hindi pa malamang direksyon ang suspek na si Ramir. Lumalabas din sa imbestigasyon na matagal nang may personal na alitan ang dalawa na una nang naipaabot sa barangay ngunit hindi napag-ayos. Hindi naman nadamay at binibigyan na ngayon ng asistensya ng ang mga anak nito na kasama sa bahay.

Sa ngayon, pinoproseso an ang kasong murder na isasampa sa suspek at patuloy ang pagtugis na ginagawa ng mga otoridad para agarang madakip at mapanagot ito sa kanyang nagawang krimen.

(Source: Interview with PMaj. Andrew Alcomendas | PNP Bato Cam Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -