33.2 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Comelec nagpatupad ng balasahan sa ilan nilang matataas na opisyal

- Advertisement -

Nagpatupad ng balasahan ang Comelec o Commission on Elections sa ilan nilang matataas na opisyal.

Batay sa ipinalabas na dokumento ni Comelec Chair Sheriff Abas, epektibo ang pagpapalit ng mga posisyon sa Comelec nitong Agosto 6, halos dalawang buwan bago magsimula ang paghahain ng certificate of candidacy para sa 2019 midterm elections.

Kabilang dito si Comelec Director James Jimenez na itinalaga sa planning department habang si dating Planning Department Director Esmeralda Ladra ay inilipat sa education and information department.

Gayunman, mananatili pa ring tagapagsalita ng Comelec si Jimenez.

Itinaas naman bilang Assistant Director ng Education at Information Department ng Comelec si dating Pasay City election officer Francis Arabe.

Wala namang inihayag na dahilan ang Comelec sa ipinatupad na balasahan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -