COMELEC nagbigay pugay kay dating Comelec Chairman Brillantes

0
13

Nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamhati ang Commission on Elections (COMELEC) sa pamilya ng dati nitong chairman na si Sixto Brillantes, na pumanaw kahapon.

Inalala rin ng komisyon ang matagumpay na pangangasiwa noon ni Brillantes sa 2013 national and local elections na naging instrumento naman ng pagkakaroon ng transparency measures sa automated elections na nagagamit pa rin hanggang sa ngayon.

Sa inilabas na pahayag ng COMELEC, inilarawan ng mga ito si Brillantes bilang tagapagtanggol ng integridad ng komisyon at isang dedicated advocate for electoral management reform, strengthening and empowering the campaign finance office.

Matatandaang nagretiro si Brillantes sa COMELEC noong Pebrero 2 taong 2015.