3 testigo sa umano’y katiwalian na nangyayari sa PhilHealth binigyan ng legislative immunity

0
17

Binigyan ng senado ng legislative immunity ang tatlong testigo sa umano’y kaliwa’t kanang anomalya at korapsyon sa PhilHealth.

Ang tatlong ito ay sina PhilHealth Board Member Alejandro Cabading, former Executive Assistant Estrobal Laborte at ang dati nitong anti-fraud legal officer na si Atty. Thorrsson Montes Keith.

Samantala, inilabas kahapon ni PhilHealth Legal Counsel Atty. Roberto Labe Jr., ang listahan ng 10 ospital na umano’y nakatanggap ng interum reimbursement mechanism (IRM) funds na pangtugon sa kaso ng COVID-19.

Nangunguna sa listahan ang Southern Philippines Medical Center sa Cebu City, UP Philippine General Hospital at Davao Regional Medical Center.

Giit ni labe, ang distribusyon ng naturang pondo ay patas at nakabatay sa dami ng kaso ng COVID-19 bawat lugar.