Radio Philippines Network
Headlines National News

Clinical trial para sa Japan anti-viral flu na Avigan sinimulan na

Nagsimula na ngayong araw ang clinical trial ng Avigan, ang Japanese anti–flu drug sa bansa.

Ayon kay Department Of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, unang susubukan ang naturang gamot sa isang daang mga pasyente mula sa Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Quirino Memorial Medical Center.

Posible aniyang madagdagan pa ang mga hospital na makikibahagi sa naturang clinical trial.

Unang pinagkalooban ng Japanese government ang Pilipinas ng nasa 200,000 Avigan tablet.

Related posts

Lakers pasok na sa susunod na round ng Western Conference Playoffs

Powered by DWIZ

Mga barangay dapat may otoridad na tukuyin kung sino lang pwede sa SAP

Powered by DWIZ

400 Pinoy nurse kailangan sa Germany

Powered by DWIZ