Clark International Aiport balik-operasyon na

0
49

Balik-operasyon na ang Clark International Airport (CIA) matapos isailalim sa apatnapu’t walong (48) oras na pagsasaayos nang maapektuhan ng magnitude 6. 1 na lindol nitong Lunes.

Eksakto alas-4 ng hapon kahapon nang muling buksan at mag-operate ang CIA.

Ayon kay CIA Corporation President Jaime Melo, ligtas nang gamitin ang pasilidad at runway ng paliparan.

Ito ay bagama’t nagpapatuloy pa rin ang pagsasaayos sa ilang bahagi ng terminal tulad ng kisame na nilagyan muna ng mga safety net at tinukuran ng mga scaffolding.

Kabilang sa mga natuloy nang biyahe ng eroplano sa CIA kahapon ang walong (8) international flights patungong Singapore, Taipei, Dubai at Hongkong gayundin ang isang domestic flight patungong Cebu.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Melo ang mga pasahero na huwag munang magtungo ng CIA kung hindi pa kumpirmadong tuloy ang biyahe at alamin muna sa mga airline companies.