CHR umapela sa publiko na sumunod sa mga hakbang vs. COVID-19

0
22

Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa publiko na sundin ang mga inilalatag na mga hakbang ng pamahalaan para labanan ang 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa CHR, ang mga anila’y ‘drastic moves’ ay lubhang kinakailangan sa panahong ito kung saan, padami na ng padami ang mga naitatalang local transmission ng virus.

Bagama’t inatasan din ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang Militar at Pulisya na siyang magtitiyak ng seguridad ng lahat, umaasa silang susundin lang ng mga ito kung ano ang mga kinakailangang hakbang salig sa batas.

Ayon pa sa CHR, kailangang magkaisa at magsama sama ng lahat para sa iisang layunin na labanan ang sakit dulot ng covid 19 subalit kailangan ding isaalang-alang ang karapatang pantao sa bawat hakbang na gagawin para rito.