Wednesday, May 1, 2024

CHR tutol sa panukalang batas na nagpapababa criminal age liability

- Advertisement -

Tinutulan din ng Commission on Human Rights (CHR) ang panukalang batas sa Kamara na ibaba ang edad ng criminal liability sa edad na siyam (9) mula sa labinlima (15).

Ayon sa CHR, gaya ng naunang pahayag ng United Nations International Children’s Emergency Fund, walang sapat na batayan o patunay na matitigil ang krimen kung ikukulong ang mga kabataang edad siyam.

Labag anila sa batas ang panukalang nag-aamyenda sa juvenile justice and Welfare Act of 2006 at tungkulin ng estado na protektahan ang mga bata.

Iginiit ng komisyon na mas dapat parusahan ng gobyerno ang mga sindikatong gumagamit ng mga bata sa iba’t ibang iligal na aktibidad.

Una ng inihayag ni Oriental Mindoro Representative Salvador Paulino Leachon, Chairman ng House Justice Committee na kanilang isasapinal na sa susunod na Linggo ang House Bill Number 505 na suportado naman ni House Speaker Gloria Arroyo.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img