CHR ikinatuwa ang hatol sa kaso ni Kian Delos Santos

0
54

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang naging hatol ng korte laban sa tatlong pulis Caloocan na pumatay sa menor de edad na si Kian Loyd Delos Santos.

Sa pahayag ni CHR Chairman Chito Gascon, nagpapasalamat sila sa lahat ng tumulong para makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Kian.

Partikular dito aniya ang mga testigong naglakas ng loob, mga taong simbahan at mga human rights defenders na nag-alok ng proteksyon at mga imbestigador at miyembro ng prosekusyon na ginawa nang mabuti ang kanilang mga tungkulin.

Kasabay nito, nanawagan si Gascon sa pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para makamit ng mga biktima ng extrajudicial killings ang hustisya at mapanagot sa batas ang mga responsible dito.

—-