30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Balangiga bells posibleng maibalik sa kalagitnaan ng Disyembre

- Advertisement -

Posibleng dumating na sa kalagitnaan ng Disyembre ang mga kampana ng Balangiga sa Eastern Samar matapos ang isandaan labing-pitong (117) taon mula nang tangayin ito ng mga sundalong Amerikano.

Ayon kay National Commission on Culture and The Arts-Committee on Historical Research Secretary Rolando Borrinaga, ini-re-refurbish pa ang dalawa sa Balangiga bells sa Estados Unidos.

Matapos nito ay dadalhin ang dalawang kampana sa South Korea upang isama sa ikatlong kampana.

Maituturing na anyang regalo sa Pasko ang pagbabalik ng makasaysayang mga kampana dahil maaari na itong magamit sa simbang gabi o misa de gallo.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -