37.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Chinese national pinaslang sa Makati City

- Advertisement -

Malagim ang sinapit ng isang babaeng Chinese national makaraang pagtulungan umanong tsaptsapin ng apat din dayuhan sa Makati City.

Natagpuang putol ang magkabilang hita at tadtad ng saksak at taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Wang Yalei, 26 taong gulang.

Nadakip naman sa loob ng isang unit sa The Lerato Residence Tower 1 sa Malugay St. Brgy Bel air ang mga suspek na sina Zhang Chuning, Zhang Cha Quan, Wang Xue at Zhang Yi Xi.

Ayon sa pulisya, isang residente ang nagsumbong sa mga sekyu hinggil sa nakita nitong nylon bag, mga duguang damit, tissues at kutsilyo sa basurahan.

Dahil dito, agad na tiningnan ang mga CCTV sa lugar at nakita ang mga suspek na siyang nagtapon ng mga naturang gamit mula sa Room 1116.

Nang puntahan ang unit, nasa loob nito ang mga suspek kaya agad silang dinala sa himpilan ng pulisya.

Bago naganap ang karumal-dumal na krimen, sinasabing nagtalo muna ang biktima at ang isa sa mga suspek.

Love triangle ang isa sa mga tinitingnang motibo ng pulisya sa naturang pamamaslang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -