Monday, April 29, 2024

3 katao patay matapos pagbabarilin sa Quezon City

- Advertisement -

Patay ang 3 katao matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Kinilala ang mga biktima na sina Romeo Ado Sr., Christine Ado at Romeo Ado Jr.

Sa inisyal na impormasyon, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang pumasok ang mga salarin at walang habas na pinagbabaril.

Ayon sa isa sa mga kaanak ng mga biktima, may nakaalitang pulis ang sa isa sa kanilang mga kapatid isang buwan bago nangyari ang masaker.

Bago aniya ito, nagbanta pa umano ang pulis na babalikan sila kaya dapat mag-ingat ang mga ito.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng sinasabing pulis na nakaalitan daw ng pamilya ng biktima.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naturang krimen.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -