Monday, April 29, 2024

Chinese na nagpositibo sa nCoV nasa isang pampublikong ospital sa Maynila

- Advertisement -

Kinumpirma ng Department of Health na nanatili sa isang pampublikong ospital sa Maynila ang Chinese national na nagpositibo sa novel corona virus.

Ayon kay DOH Spokesperson Eric Domingo, kasalukuyang nasa San Lazaro Hospital ang dayuhan at naka–isolate.

Nagpositibo ang babaeng chinese sa naging resulta ng confirmatory test mula sa Australia.

Sa ngayon ay wala na aniyang nakikitang anomang sintomas ng nCoV sa babae.

Siniguro ni Domingo na palalabasin lamang ang pasyente kapag nag negatibo na ito sa naturang virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -