China gumagawa na umano ng bakuna sa COVID-19 ayon kay Duterte

0
9

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na mauuna ang China na makagawa ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Pangulo, gumagawa na ang China ng bakuna kontra COVID-19 at posibleng maging available na ito sa Setyembre.

Naniniwala aniya siya na China ang unang makakapagpalabas ng bakuna sa COVID-19.

Hindi lamang umano nagyayabang ang China pero kumikilos na ang mga ito para agad makabuo ng bakuna laban sa sakit.