Cebu Pac positibo sa pagkakaroon ng Sangley Airport

0
59

Positibo ang pamunuan ng Cebu Pacific na magbubunga ng maganda para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paglipat ng operasyon nito sa General Aviation sa Sangley Airport sa Cavite.

Ayon kay Michael Ivan Shau, chief operations officer ng Cebu Pacific, suportado nila ang hakbang na ito ng gobyerno dahil malinaw na mapabibilis nito ang pagsasaayos ng air force base para maging commercial airport.

Kasabay nito, sinabi rin ni Shau na bilang una nilang hakbang, ililipat nila ang kanilang turbo-prop operations sa Sangley Airport.

Sa darating na Agosto, inaasahang magsisimula na ang operasyon ng dalawa sa ATR 72-500 aircraft ng Cebu Pacific bilang full freighter planes.