Radio Philippines Network
National News

CBCP naglabas ng bagong guidelines kontra COVID-19

Pinagsusuot na ng face mask ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang lahat ng mga Pari at Lay Ministers kapag magbibigay ng komunyon.

Ito ay nakapaloob sa inilabas na bagong guidelines ng CBCP na susundin ng simbahan bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa nilagdaang kalatas ni CBCP Pres. Archbishop Romulo Valles, tuloy pa rin ang pagbibigay ng komunsyon sa mga mananampalataya ngunit ito ay tatanggapin na lamang sa pamamagitan ng kamay.

Mahigpit ding ipinaalala na dapat ay mag-sanitize ng kamay ang mga pari o lay minister bago at pagkatapos ng pagbibigay ng komunyon.

Nakasaad din sa alituntunin na hangga’t maaari ay iwasan muna ang malakihang pagtitipon batay na rin umano sa direktiba ng DOH.

Related posts

Pinoy seaman na nasa isang cruise ship sa Japan nagpositibo rin sa nCoV

Powered by DWIZ

Paglalagay ng deep well at water pump sa mga kabahayan hindi dapat — NWRB

Powered by DWIZ

LTFRB magdaragdag pa ng mga bagong ruta sa Metro Manila simula Lunes

Powered by DWIZ