Saturday, May 18, 2024

CBCP may panawagan kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Nanawagan ang ilang pari sa CBCP na magsalita na sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihimok sa publiko na patayin ang mga pari.

Ayon kina Father Alberto Alejo, Robert Reyes at Flavie Villanueva, hindi na gumagana ang anila’y diplomatic approach ni Pangulong Duterte.

Ilang beses na rin aniyang nakipagkita at nakipag pulong sina CBCP President Romulo Valles at Manila Archbishop Antonio Cardinal Luis Tagle sa pangulo subalit tila wala ring nangyaring positibo.

Sinabi ng mga naturang pari na dapat maging nagkakaisa ang CBCP sa kanilang posisyon sa usaping ito.

Ang mga nasabing pari ay nakakatanggap din umano ng banta sa kanilang buhay tulad nina Caloocan Archbishop Virgilio David at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -