Anim katao patay sa sunog sa Isabela

0
63

Patay ang anim na magkakamag anak sa sunog sa kanilang bahay sa Greenland Subdivision sa Plaridel, Santiago City sa Isabela.

Kinilala ni SFO1 Alberto Timbal, hepe ng investgation section ng BFP-Santiago City ang mga biktimang mag asawang Kin at Love James, mga anak na sina Raven at Kisha, mga pamangking sina Zedrick Lloyd Marcelino at kapatid na si Mark Melbourn Marcelino.

Nasa Metro Manila ang ina ng magkapatid na Marcelino na umuupa sa nasunog na bahay.

Hinihinalang sa suffocation nasawi ang mga biktima na nagtamo lamang ng mga lapnos sa katawan matapos mabigong mabuksan ang pintuan sa likurang bahagi ng bahay kaya’t hindi nakalabas.