33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Cayetano hino-hostage ang 2021 nat’l budget para manatili sa pwesto —Velasco

- Advertisement -

Inakusahan ni incoming House Speaker at Marinduque Representative Lord Allan Velasco si incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano na hino-hostage ang 2021 national budget upang mapanatili ang sarili sa puwesto.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa halip na matutukan ng kamara ang trabaho, natabunan na ng politika at drama ang pagtalakay sa panukalang budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Velasco, walang ibang pakay ang mga nangyayaring pag-atake at panggugulo sa House of Representatives kundi ang mapanatili ang mga personal na agenda kapalit ng agarang pagpasa sa 2021 national budget.

Kasunod nito, nananawagan si Velasco sa kanyang mga kapwa mambabatas na magpatuloy sa pagtatrabaho at ipasa ang national budget bago ang ika-14 ng Oktubre.

Una nang iginiit ni AnaKalusugan Party-list Representative Mike Defensor na kilalang kaalyado ni Cayetano na kaya nilang maipasa sa ikalawang pagbasa ang panukalang national budget bago mag-recess ang kongreso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -