Cayetano dinipensahan ang venue para sa bowling events ng 2019 SEA Games

Cayetano dinipensahan ang venue para sa bowling events ng 2019 SEA Games

by Powered by DWIZ
44 views

Nanindigan si House Speaker Alan Peter Cayetano na walang “favoritism” sa pagpili ng venue ng mga sports event ng 2019 Southeast Asian Games.

Ito ay matapos depensahan ni Cayetano ang desisyon sa pagpili ng bowling center sa loob ng mall na pagmamay ari ng Villar family para sa mga bowling events.

Aniya, sports officials ang namili ng venue na nakabatay sa international standards.

Iginiit din ng kongresista na Puyat Sports ang may-ari ng venue at nagkataon lamang na nasa loob ito ng Star Mall EDSA Shaw.

Dagdag pa nito, ito lamang ang mayroong 20 bowling lanes na pasok sa kanilang batayan.

Magugunitang una nang dinipensahan ni Cayetano ang mga ginastos sa SEA games at nanindigang walang korapsyon at kalabisan dito.

0 comment

Related Posts