35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Camarines Sur Magkakaroon Ng Dry Run IATF Resolution No. 101

- Advertisement -

Iriga City – Noong nakaraang linggo po ay inilabas ng IATF ang Resolution No. 101 kung saan hindi na required ang medical certificate, travel authority, RT-PCR test, at quarantine sa lahat ng babyahe na walang sintomas ng COVID-19. Ngunit ayon din sa resolution na ito, maaari pa ring mag-require ang mga LGU kung mamarapatin nito.

Para sa ating probinsya, minarapat po naming magkaroon ng 2 linggong trial period, simula ngayong araw, para sa nasabing resolution. Ibig sabihin po, dalawang linggong hindi kami magre-require ng medical certificate, travel authority, RT-PCR test, at quarantine sa lahat ng papasok sa CamSur. Sa loob po ng 2 linggong ito ay oobserbahan at aaralin namin ang magiging epekto nito sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating probinsya.

Sa kabila nito, wag kalilimutang mag-ingat palagi at sumunod sa standard safety protocols natin kontra sa COVID-19.

(Source: Provincial Office of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -