Wednesday, May 8, 2024

CAAP mahigpit na nakabantay sa mga paliparan vs coronavirus

- Advertisement -

Mas pinaigting ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbabantay sa novel-coronavirus (nCoV) kasunod ng pagkalat nito sa ibat ibang bansa.

Bukod sa thermal scanners nakahanda na rin ang quarantine room upang agad na maobserba ang mga lalapag sa bansa na may mataas na temperatura.

Muli ring ipinatutupad ng CAAP ang communicable disease preparedness procedures sa pitong internationals airports na kanilang minomonitor bukod pa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Kalibo na may direktang biyahe mula sa Wuhan, China na siyang pinagmulan ng nCoV.

Samantala, una nang ipinaalala ng Department of Health (DOH) sa mga bibiyahe sa eroplano na may karamdaman na huwag munang tumuloy kung hindi bababa ang kanilang temperatura sa loob ng 24 na oras.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img