35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Business permit na pagkuha sa siudad ng Baguio nasa mall na rin

- Advertisement -

Baguio City – Maliban sa regular Business One-Stop Shop o ang BOSS sa City Hall, isang satellite BOSS ang itinalaga sa SM City Baguio upang maglaan ng pagpipilian na lugar para sa mga mangangalakal upang ilakad nila ang lisensiya sa kanilang negosyo. 

Matatagpuan sa pagitan ng Cinemas 3 at 4, ang offsite Business One-Stop Shop o ang BOSS sa mall ay bukas mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon mula lunes hangang biernes. 

Habang ang SM ay bukas ng alas 10 ng umaga, isang arrangement o pakikipag ugnayan ang isinagawa para mga applikante ng business permit na papayagan na pumasok sa mall ng alas 8 ng umaga.

Ayon sa kay Permits and Licensing Officer Allan Abayao, ang mga applikante ay mangyari lamang na magsabi sa mga guardiya sa bukana ng grocery area na sila ay maglalakad ng kanilang business permit sa Business One-Stop Shop o ang BOSS at sila ay pauunlakan ng guardiya.

Sinabi ni Abayao na ang offsite processing scheme ay isinasagawa upang mabawasan ang Business One-Stop Shop o ang BOSS sa City Hall at maiwasan ang mahabang pila ng tao. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Public Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -