Bumaliktad ang bangka ng walong katao sa Burnham lake, Baguio City

0
11

Baguio City – Walong katao itinakbo sa  ospital matapos bumaliktad ang bangka na sinasakyan nila sa lawa ng Burnham Park.

Naisugod sa  ospital ang walong katao kasama ang 5 buwang gulang na sanggol matapos bumaliktad ang sinasakyan nilang bangka sa lawa ng Burnham park dito sa lungsod ng Baguio.

Kinilala ang mga Biktima bilang sila  Jonie Manaoat, Sherrie Mat Manaoat, Rander Manaoat, Ruby Ann Trinidad, Precious Reem Trinidad, Emmanuel Trinidad, ang 5 buwan na sanggol na si Gabrielle Isla Trinidad at  bankero nito na  si Noel Pineda.

Batay sa ulat ng  pulisya, iniwasan  ni Pineda ang pagkakabangga nila sa isang bangka na naging sanhi upang mabangga ang  rubber fence ng fountain. Dahil dito tumaob ang bangka na nagresulta sa pagkahulog nila sa lawa.

Agad naman silang sinaklolohan ng iba pang bankero at inilipat sila sa isang bangka. Matapos nito ay itinakbo sila sa pinakamalapit na ospital sa pamamagitan ng mga tauhan ng Emergency Medical Services.

Ayon sa huling ulat ng pulisiya, ang mga nasabing tao ay nasa mabuti ng kalagayan ngunit nanatili pa rin ang mga ito sa pagamutan para sa karagdagang check up. (Joel Cervantes, photo courtesy by Mika Cervantes)

Leave a Reply