32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

BuCor magpapatupad ng electronic dalaw sa mga kulungan

- Advertisement -

Ipapatupad na sa mga kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang e-dalaw o electronic dalaw.

Ito ang kinumpirma ng Department of Justice sa kabila ng banta ng COVID-19 sa bansa na siyang dahilan ng suspendidong pagdalaw ng mga kaanak sa kanilang mga mahal sa buhay sa piitan.

Ang e-dalaw ay isang programa kung saan makakausap at makikita ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang mga kamag anak sa labas ng kulungan gamit ang laptops.

Samantala, tiniyak naman ng DOJ na magpapatuloy ang kanilang rapid testing sa mga PDL’s at BuCor personnel.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -