31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Karamihan sa mga Pinoy isa hanggang tatlong beses lumalabas ng bahay

- Advertisement -

Mayorya ng mga Pilipino na may edad 15 pataas ang lumalabas ng kanilang bahay ng isa hanggang tatlong beses sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa isinagawang mobile phone survey ng Social Weather Station (SWS), lumalabas na apat mula sa limang pilipino o 81% ang nagsasabing lumalabas sila ng bahay ng isa hanggang tatlong beses kada linggo para mamalengke at bumili ng pagkain.

98% naman ang nagsasabilang lumalabas sila ng isa hangang tatlong beses kada linggo para bumili ng gamot at iba pang financial transactions.

Samantala, para sa average ng mga sagot ng respondents, lumalabas na 2.58 times lumalabas ang mga ito para bumili ng pagkain, 1.29 timez para sa pagbili ng gamot at 1.21 beses para sa financial transactions.

Ang naturang SWS survey ay isinagawa noong Mayo 4 hanggang 10 kung saan lumahok ang nasa apat na libo at sampung working-age na Pilipino na may edad 15 pataas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -