Monday, May 6, 2024

BuCor director Bantag nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag.

Una nang nagpa-swab test si Bantag matapos magpositibo sa virus ang dalawa sa close in personnel nito ang kaniyang driver at kaniyang security aide.

Sinabi ni Bantag na nag-chill siya at mataas ang kaniyang temperatura bukod pa sa nakaranas siya ng bahagyang pananakit ng ulo at pag-ubo ng dalawang gabi bago niya makuha ang resulta ng kaniyang COVID-19 test.

Wala naman na aniya siyang sintomas sa ikalawang gabi, bagamat kinukumpleto niya ang quarantine sa kanilang opisina sa BuCor.

Una nang nagpositibo sa COVID-19 ang spokesman ng BuCor na si Gabriel Chaclag. —ulat mula kay Bert Mozo

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img