29.9 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Briones iinspeksyunin ang mga paaralang apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal

- Advertisement -

Nakatakdang inspeksyunin ni Education Secretary Leonor Briones ang mga paaralan sa Batangas na naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Briones, personal niyang kakausapin at aalamin ang sitwasyon ng mga guro, evacuees at estudyanteng apektado ng pagputok ng Taal Volcano.

Tiniyak din ni Briones na ipinatutupad ang disaster protocols sa mga eskwelahang ginagamit bilang pansamantalang evacuations centers.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 120 mga paaralan sa CALABARZON ang pansamantalang ginawang evacution centers para sa nagsilikas na residente ng Batangas at Cavite.

Nananatili namang nakataas ang alert level 4 sa Bulkang Taal kung saan may babala sa posibilidad ng mapanganib na pagsabog sa mga susunod na oras o araw.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -