- Advertisement -
Isasara muna ng IATF-Bicol simula ngayong araw na Martes, Abril 6 ang mga borders sa rehiyon para sa mga ‘non-essential travelers’ mula sa NCR+ bubble at iba pang COVID-19 hotspots.
Ito ang kinumpirma ni DILG Region V regional chief at chairman ng Inter-agency Task Force-Bicol Atty. Anthony Nuyda.
Striktong ipatutupad ang ‘border patrol checkpoints’ sa Bicol Region-Quezon province border para maiwasan ang mga colorum na mga vans at pribadong sasakyan na sakay ang mga ‘non-essential travelers’ papasok sa rehiyon.
Inaasahang magpapalabas ng official memo ang IATF Bicol sa susunod na oras.
(Source: DILG Region V)
- Advertisement -