Saturday, May 4, 2024

BOC chief muling idiniin sa P6.8-B shabu shipment

- Advertisement -

Muling idiniin ni dating Bureau of Customs (BOC) X-Ray Inspection Project Chief Lourdes Mangaoang si BOC Commissioner Isidro Lapeña sa P6.8 billion smuggled shabu na isinilid umano sa mga magnetic lifter na narekober sa GMA, Cavite.

Ayon kay Mangaoang, pinagtatakpan ni Lapeña ang mga drug smuggler sa pamamagitan nang pagtangging may laman ang mga magnetic lifter na narekober.

Na-establish na rin aniya na may lamang iligal na droga ang mga lifter batay sa mga ebidensyang iprinesenta sa Kongreso.

Muling iginiit ni Mangaoang na kailanma’y hindi nagsisinungaling ang kanilang mga x-ray machine maging ang drug sniffing dog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naka-diskubre sa kontrabando.


BOC commissioner hindi magbibitiw sa pwesto

Hindi magbibitiw sa pwesto si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña sa gitna ng alegasyong nagpabaya siya sa tungkulin kaya’t nakalusot ang P6.8 bilyong smuggled shabu na isinilid umano sa magnetic lifters.

Ayon kay Lapeña, posibleng sindikato ng iligal na droga ang nasa likod ng demolition job laban sa kanya na pinondohan ng P20 miliyon upang mapatalsik siya sa Aduwana.

Maaari anyang nasagasaan ng kanilang kampanya kontra smuggling ang mga sindikato kaya’t naglunsad ang mga ito ng demolition job laban sa kanya.

Naniniwala si Lapeña na maaaring nagsimula ang naturang hakbang matapos tugisin ng BOC ang mga nasa likod ng hindi otorisadong withdrawal ng 105 containers na naglalaman umano ng ceramic mula Port of Manila, noong Marso.

Inakusahan din ng Customs chief si BOC-Ninoy Aquino International Airport Deputy Collector Lourdes Mangaoang na posibleng nagpabayad sa mga drug syndicate upang sirain ang kanyang reputasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img