Bloc voting posibleng umiral sa house speakership race

0
41

Posibleng umiral ang bloc voting sa house speakership race sa Kamara.

Kabilang dito ang Visayan bloc na mahigit 40 ang miyembro.

Ayon kay outgoing Cong. Albee Benitez ng Negros Occidental, nagpulong na ang Visayan bloc at napakasunduan nilang maglatag ng mga criteria ng pipilliin nilang maging house speaker.

Nagkaisa anya sila na dapat tignan ang kakayanan ng kumakandidatong speaker at kung makakatrabaho nito ng maayos ang ehekutibo.