32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Babaeng nagbitiw ng bomb joke arestado

- Advertisement -

Arestado ang isang babae makaraang magbitiw ito ng bomb joke habang papasok sa baclaran station ng LRT line 1.

Kinilala ang suspek na si Maribeth Florentino, 23 anyos ng Sta. Quiteria, Caloocan city.

Nagbiro di umano si Maribeth na mayroong bomba sa kanyang bag habang ini inspeksyon ito ng guwardya.

Agad na dinakip si Florentino at dinala sa Pasay PNP para masampahan ng kaso.

Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ipinagbabawal ang pagbibiro at pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa bomba.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -