Friday, May 17, 2024

Blackwater balak nang kumalas sa PBA

- Advertisement -

Balak nang ibenta ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang kanilang prangkisa sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ayon kay Sy, wala na ang puso niya sa liga kaya’t humihingi siya ng pang-unawa mula sa kanilang mga tagasuporta.

Matatandaang inatasan ni PBA commissioner Willie Marcial ang Elite na magpaliwanag kung bakit nagsagawa ito ng team practice nang walang abiso mula sa liga habang nagbanta rin si Games and Amusement Board chairman Abraham “Baham” Mitra na balak nilang patawan ng parusa ang koponan.

Una nang binigyang diin ni Sy na wala silang nilabag na health protocols at sinusunod nila ang mga patakaran ng PBA.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -