Monday, May 6, 2024

Bisa ng antibody treatments vs. COVID-19 pinag-aaralan pa —DOH

- Advertisement -

Pinag-aaralan pa ng medical experts ang pagiging epektibo ng antibody treatments laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang antibody ay natural na ginagawa ng katawan para labanan ang mga mikrobyo at iba pang organismo na nagdadala ng sakit.

Sinabi pa ni Vergeire na tulad ng ibang gamot, ang mga antibody treatment ay pinag-aaralan pa ng mga doktor at expert kung magiging mabisang panlaban sa COVID-19.

Ang plasma na may antibodies aniya mula sa naka-recover na pasyente ay sinasalin o tina-transfuse sa isang pasyente na kasalukuyang infected ng virus para tulungang mapabilis ang paglaban niya sa COVID-19 na tulad ng ginagawa ng Philippine General Hospital (PGH) sa ngayon.

Samantala, inihayag ni Vergeire na ilan sa mga gamot na sinasabing malalabanan ang COVID-19 ay Tocilizumab at Sarilumab na ginagamit, kapwa para gamutin ang rheumatoid arthritis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img