30 detainee sa Correctional Institute for Women pinaghihinalaang may COVID-19

0
15

Tatlumpung (30) detainee sa Correctional Institute for Women ang hinihinalang infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang mga nasabing persons deprived of liberty (PDL), ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Undersecretary Gerald Bantag ay nasa Suspect B Classification dahil walang contact ang mga ito sa sinumang infected ng COVID- 19.

Samantala, ipinabatid ni Bantag na isang tauhan ng New Bilibid Prison ang hinihinala ring infected ng COVID-19 at kinukunsidera na Suspect A matapos magkaroon ng contact sa isang infected, subalit nakaself-quarantine na.

Inihayag ni Bantag na suspendido na ang pagbisita sa BuCor facilities para maiwasang kumalat ang COVID-19 sa mga lugar na ito.