Friday, May 3, 2024

Bio-molecular laboratory ng PRC sa Port Area, Manila sinertipikahan na ng RITM

- Advertisement -

Aabot sa 12,000 coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests ang kayang isagawa ng Philippine Red Cross (PRC) kada araw.

Ayon kay PRC Chairman Sen. Richard Gordon, na sertipikahan na kasi ng RITM ang bio-molecular laboratory ng PRC sa Port Area, Manila.

Sinabi ni Gordon, labis niyang ikinatutuwa na dumarami na ang kanilang laboratoryo dahil nangangahulugan itong mas mataas na ang tsansang malabanan ang sakit.

Aniya, sa panahon kasi kung saan wala pang bakuna kontra COVID-19 ang tanging panlaban lamang dito ay ang pagte-test upang matukoy ang mga nagpositibo sa virus.

Sa ngayon, tatlong laboratoryo na ng PRC ang maaring makapagsagawa ng mga COVID-19 tests.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img