Bilang ng pasahero sa mga pantalan sa bansa pumalo na 80,000

0
46

Pumalo na sa mahigit 80,000 ang bilang ng mga pasaherong bumiyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa ngayong Undas.

Sa datos ng Philippine Coast Guard, nasa kabuuang 87, 825 ang naitalang biyahero sa 44 na port areas.

Pinakamarami rito ay mula sa Central Visayas na nasa mahigit 19,000 na sinundan ng Western Visayas na may mahigit 16,000 biyahero.

Pinayuhan naman ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Captain Armand Balilo ang mga bibiyahe na tumawag muna sa information center bago magtungo sa pantalan upang malaman kung tuloy ang kanilang biyahe.

Tiniyak din ng opisyal ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa mga pantalan upang hindi makalusot ang mga nagbabalak na manabotahe.

—-