Bilang ng nasawi sa pag-inom ng lambanog nadagdagan pa

0
49

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog.

Ayon kay Barangay Chairman Eduardo Perez ng Barangay Sucol, Calamba Laguna, ang pinakahuling biktima ay uminom rin ng lambanog sa lamay ng mga naunang nasawi dahil pag-inom rin ng lambanog.

Una rito, may naitala nang limang nasawi sa Barangay Sucol mula noong November 29 samantalang apat pa ang nasawi naman sa Barangay Pooc sa Sta. Rosa Laguna nitong Sabado.

Una nang sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na nakitaan ng kemikal na methanol ang samples ng lambanog na nakuha nila sa Pampanga, Laguna at Antipolo.

—-