30.7 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Bilang ng mga nasawi sa kambal na pagsabog sa Jolo nadagdagan pa

- Advertisement -

Umakyat na sa 23 ang nasawi  sa magkasunod na pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni PNP Spokesman, Senior Supt. Bernard Banac ang ika-23 biktima na si Oscar Asares, 60 taong gulang.

Ayon kay Banac, binawian ng buhay si Asares sa Zamboanga City Medical Center bunsod ng mga matinding sugat na tinamo nito.

Dahil dito, sumampa na sa 16 ang mga sibilyan, anim na sundalo at isang coast guard ang bumubuo sa 23 nasawi.

Nasa 95 naman ang mga sugatan kabilang ang 77 sibilyan at 18 sa panig ng militar, pulisya at coast guard.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -